DEADLINE: May 1, 2011
Inaanyayahan ang mga gradwadong estudyante, guro, risertser, manunulat at iskolar mula sa iba’t ibang disiplina ng Agham Panlipunan, Humanidades, Agham at Pilosopiya na magsumite ng kanilang kontribusyon sa DALUMAT E-Journal. Maaaring isumite ang alinman sa mga sumusunod:
Inaanyayahan ang mga gradwadong estudyante, guro, risertser, manunulat at iskolar mula sa iba’t ibang disiplina ng Agham Panlipunan, Humanidades, Agham at Pilosopiya na magsumite ng kanilang kontribusyon sa DALUMAT E-Journal. Maaaring isumite ang alinman sa mga sumusunod:
Uri ng sabmisyon | Haba ng pahina |
· Akademikong papel | 15-20 |
· Rebyu ng aklat, pelikula/palabas, biswal na sining | 2-5 |
· Komentaryo (iskolarling puna sa mga akademikong papel) | 5-10 |
· Interbyu sa mga iskolar tungkol sa iba’t ibang paksa/aralin/adbokasiya sa loob o labas ng bansa | 15-20 |
· Salin sa Filipino ng iba’t ibang texto - literari, iskolarli, sayentipiko, atbp. Humingi ng permiso sa awtor/ pablisher. Maaaring opsyonal ang paglagay ng kritikal na introduksyon, depende sa mungkahi ng referee. | 3-20 (kung sakaling mahaba ang orihinal na texto, kumuha lamang ng sipi) |
Panuntunan:
1. Maaaring nasusulat sa Filipino, Ingles at mga wika sa bansa ang inyong papel. Ihanda ang manuskrito sa papel na may sukat na 8.5”x11” (letter-size), laktawan (double spaced) at kompyuterisado.
2. Gamitin ang MLA sa pagsipi at pagsulat ng sanggunian.
3. Ilakip ang abstrak na may 200-300 salita at 5 susing termino sa unahan ng papel.
4. Huwag maglalagay ng anumang pangalan at iba pang impormasyon ng pagkakakilanlan sa isusumiteng papel. Ipadala ang inyong papel bilang attachment (microsoft office word) sa dalumatjournal@yahoo.com
5. Isulat ang inyong pangalan, email, cellphone at telephone number, profesyon, pinapasukang trabaho/institusyon, at tirahan sa email na ipapadala sa amin o sa isang hiwalay na papel.
6. Maglakip din ng maikling bionote na may 100-200 salita.
Ang DALUMAT E-Journal ay naglalayong isulong ang iba’t ibang diskurso at kaalaman sa inter/multidisiplinaryong larangan ng Araling Filipino bunga ng masigasig, makabuluhan, at makahulugang pananaliksik at pag-aaral sa Humanidades, Agham Panlipunan, Pilosopiya at Agham. Isa itong pambansang refereed e-journal na lumalabas tuwing Enero at Hunyo kada taon.
Magiging lunsaran ang E-journal para ihapag ng mga gradwadong mag-aaral, iskolar, manunulat, teorista at intelektuwal ang kanilang patuloy na pagtuklas, masinop na pakikilahok sa akademya at pananaliksik na nagmumula sa loob o labas ng bansa at nasusulat sa Filipino, Ingles at mga wika sa Pilipinas para sa pakinabangan ng mga Filipino at ng bansa.
Itinayo ito ng mga gradwadong mag-aaral, iskolar at guro para sa hangaring makabuo at maipagpatuloy ang akademikong pag-unlad ng Araling Filipino.